Saturday, May 3, 2008

ang lugar na payatas

ang lugar na payatas, ang lugar na kapag narinig mo ang salitang payatas ay iisa lang ang maiisip mo mabaho,madumi,nakakadiri at ang higit sa lahat puro basura(tama ba ako?!) at kung minsan ang maiisip nyo naman sa mga nakatira sa lugar namin ay mga walang pinag aralan, mga nagsisiksikan sa eskwater area, mga madudumi, mga kawawa at kung ituring ng iba ay mga patay gutom pero kung ganun ang iyong palagay sa lugar namin at sa mga taong nakitira dito sa payatas, ang lugar namin na kung saan nahubog ang aking murang kaisipan noong ako ay musmos pa lamang at ang lugar na kung saan nabuo ang aking mga pangarap ang tangi ko lamang masasabi sa inyo ay "ISA KAYO SA MARAMING MGA WALANG KWENTANG TAO LALO NA KUNG ISA KANG PILIPINO NA HUMUHUSGA SA AMIN AT SA LUGAR NAMIN NA PAYATAS" alam mo kung bakit? dahil paano mo naiisip at nasasabi yun sa lugar na kung saan ang mga basurang itinatapon nyo ay dito napupunta at for your information ang payatas ay parte pa rin ng bansang pilipinas at ang ibig sabihin ang basura na nasa payatas ay hindi lamang basura ng iilan na tao dahil ang basura ng payatas ay basura ng madaming tao dito sa bansa.
Ang mga basura nyo kung saan madami sa mga nakatira dito ay sa basura lamang umaasa para sila mabuhay at mapakain ang kanilang pamilya ng talong beses sa isang araw ang basura nyo kung saan para sa inyo ay wala ng silbi pero madami sa mga kabataan dito na nag aaral ang nanambakan muna para lamang magkaroon sila ng baon sa paaralan kahit na isa kami sa mga pamilya dito sa payatas na hindi na namin kaylangan gawin ang mga ginagawa ng ilang pamilya na nanambakan pa sa tambakan ng basura upang makakain lamang at makapag aral na din ang mga kabataan ay nagbibigay sa amin iyon ng pag asa na balang araw uunlad din kami at magagawa naming tulungan ang mga kapwa naming pilipino na nakatira sa payatas na hindi na ginagawa ang mga ginagawa ng mga mapagsamantalang politiko na hindi taos puso ang pagtulong at kaya ko ito sa inyo nasasabi dahil ng minsan na may nakilala akong isang plipino sa chat ay asar na asar ako dahil kung maliitin nya ang lugar na payatas ay parang hindi siya isang pilipino at para na rin ito sa mga politikong nagpapaskil ng mga poster nila dahil nakapagpatayo daw sila ng mga eskwelahan, mga daanan at kung anu anupa na mga kalokohan nila ay pera naman ng taong bayan ang ginagamit at talagang yun ang kanilang tungkulin na tulungan ang mga pilipino

No comments: